dzme1530.ph

PNP, maagang naghahanda para sa posibleng epekto ng bagyong Marce

Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police sa mga lokal na pamahalaan na maaapektuhan o dadaanan ng bagyong Marce.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, batay ito sa direktiba ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil na bagamat wala pang epekto sa bansa ang bagyo mas mabuting paghandaan na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Nakahanda aniya ang pambansang pulisya na magbigay ng tulong sa LGUs lalo na kung magkakaroon ng pre-emptive evacuation sa lugar upang matiyak na hindi malubhang maaapektuhan ng bagyo ang mga residente sa landfall point ng bagyo.

Nanawagan naman ang opsiyal sa publiko, na maagang lumikas lalo na sa mga nakatira sa mababang lugar at landslide prone areas upang maiwasang maulit ang nangyari noong kasagsagan ng bagyong Kristine kung saan marami ang namatay. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author