dzme1530.ph

Ilang senador, nabahala sa panukalang pagpapaliban sa BARMM elections

Kinumpirma ni Senate President Francis Escudero na ilang senador ang nababahala sa panukalang ipagpaliban ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Escudero na tinalakay nila sa kanilang caucus ang panukalang ipagpaliban sa Mayo 2026 ang halalan sa BARMM kung saan hayagan aniyang nagpahayag ng kanilang alalahanin ang ilang senador.

Hindi naman tinukoy ng senate leader ang concerns ng ilang senador sa kaniyang inihaing panukala.

Ayon kay Escudero, ang panukala ay alinsunod sa kahilingan ng Malacañang dulot ng mga pagbabago sa rehiyon at kabilang na rito ang tungkol sa desisyon ng Korte Suprema na hindi na isama sa BARMM ang lalawigan ng Sulu.

Muling binigyang-diin ni Escudero na walang babaguhin sa BARMM Law at ang panukala ay para lamang sa postponement ng halalan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author