Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pagawaan ng pekeng pambatang bitamina na tinitimpla sa isang washing machine sa Arayat, Pampanga.
Nag-ugat ang raid sa reklamo ng isa sa dating empleyado ng factory.
Ikinagulat ng mga operatiba ang nadiskubreng washing machine, kung saan pinaghahalo ang raw materials, gaya ng asukal, food coloring, at food flavoring, para makagawa ng fake supplement para sa mga bata.
Ayon sa NBI, ang mga pekeng bitamina ay hindi lamang dinadala sa Central Luzon, kundi maging sa Visayas at Mindanao.
Nabatid na halos 20-taon nang ginagawa ang pekeng vitamins. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera