dzme1530.ph

LTO, hinimok na ipaalam sa Senado ang pagkakakilanlan ng may-ari ng SUV na may plate number 7 na pumasok sa bus lane

Malinaw ang paglabag ng driver at pasahero ng SUV na may plakang 7 nang dumaan sa bus lane sa EDSA at hindi ito katanggap-tanggap.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero kasabay ng panawagan sa Land Transportation Office na tukuyin ang pagkakakilanlan ng may-ari at gumamit ng behikulo at ipaalam ito agad sa Senado.

Sinabi ni Escudero na kung mapatunayang miyembro ng Senado ang may-ari ng sasakyan, inaasahan niyang agad itong aamin at aatasan ang mga taong sakay ng behikulo na harapin ang kanilang pananagutan.

Inaasahan niya ring agad na susuko ang driver at pasahero sa mga awtoridad.

Kasabay nito, pinuri ni Escudero ang ang mga traffic enforcer na sina Secretariat Sarah Barnachea at Secretariat Reyno sa pananatiling magalang sa kanila ng kinaharap na sirkumstansya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author