dzme1530.ph

Higit 100 indibidwal, arestado sa isang scam hub sa Maynila

Timbog ng mga tauhan ng PNP-Anti-Cybercrime Group at PAGCOR ang nasa isangdaan at labing anim na indibidwal sa isang commercial at residential establishment sa Adriatico St. Ermita, Maynila dahil sa pagkakasangkot sa isang crypto at romance scam.

Ayon kay PNP ACG Director Col. Jay Guillermo, sa bisa ng cyber warrant, isinilbi nito sa 23rd floor ng gusali kung saan nag ooperate ang isang kumpanya ng crypto at romance scam, at tumambad sa mga otoridad ang nasa 69 na dayuhan na kinabibilangan ng Chinese, Malaysian at Indonesian nationals kasama na dito ang nasa 47 na mga pinoy.

Dagdag pa ng opisyal, tatlong buwan minanmanan ang scam hub at napag alaman na nagpapatuloy pa rin ang ilegal na aktibidad kahit matagal ng kanselado ang lisensya nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang forensics ng mga tauhan ng PNP-ACG sa mga computer at iba pang gamit sa sinalakay na hub sa naturang gusali.

Habang nasa kustodiya na ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa ang mga nahuling suspek. —ulat mula kay Allen Ibañez

About The Author