dzme1530.ph

PBBM, iniutos na ang full mobilization ng AFP, PNP, BFP, at PCG para sa relief operations kaugnay ng bagyong Kristine

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang full mobilization ng AFP, PNP, BFP, at PCG, para sa relief operations sa mga sinalanta ng bagyong Kristine.

Ipina-dedeploy ng Pangulo ang kanilang transportation assets tulad ng mga sasakyan, aircrafts, mga bangka at barko para sa rescue, relief, at rehabilitation efforts.

Kabilang na rin sa mga ipinade-deploy ng Pangulo ang presidential choppers.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang makita ang walang tigil na paghahatid ng tulong sa mga apektado.

Kaugnay dito, kinansela na ni Marcos ang leaves ng lahat ng uniformed personnel maliban lamang ang may medical at humanitarian reasons.

Pinasasama na rin sa relief operations ang medical corps ng AFP at PNP bilang frontline personnel.

Tiniyak ng Pangulo na paparating na ang tulong na ihahatid sa pamamagitan ng land, air, at sea travel. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author