dzme1530.ph

Paggugupit ng mga sanga ng puno at pagbaklas sa mga tarpaulin o billboard, ipinag-utos ng Taguig LGU

Nagsagawa ang lungsod ng Taguig ng tree trimming operation o pagpuputol ng mga sanga ng puno upang maiwasan ang mga panganib dulot ng malalakas na hangin at ulan dala ng bagyong Kristine.

Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lugar at mabawasan ang posibilidad ng aksidente.

Ipinag-utos na rin ng LGU ang pagbabaklas sa mga tarpaulins at billboards sa kahabaan ng C5 Road at Bonifacio Global City (BGC) upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga motorista.

Inihahanda na rin ang rubber boat emergency vehicles at rescue equipment sakaling kailanganin ito para sa agarang paglikas ng mga residente sa lugar. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author