dzme1530.ph

Pastor Quiboloy, hinamon ang mga nag-aakusa sa kanya na magsampa na lang ng kaso

Kung hindi pagtanggi, pag-invoke ng right to remain silent ang naging tugon ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga alegasyon laban sa kanya.

Sa pagharap sa Senate Committee on Women and Children, sinabi ni Quiboloy na walang katotohanan ang mga alegasyon laban sa kaniya kaugnay sa pang-aabuso niya sa mga pastoral at iba pang mangaggawang babae ng KOJC.

Itinanggi rin ni Quiboloy ang kautusan na namalimos ang kanilang mga miyembro sa pagsasabing wala silang ganoong polisiya.

Iginiit naman ni Quiboloy ang kanyang right to remain silent sa usapin kaugnay sa pamimilit niyang ipakasal ang ilan nilang miyembro upang manatili sa ibang bansa gayundin sa sinasabing pagbabanta niya sa dati niyang manggagawa na si Stephanie Ibarra.

Itinanggi rin ng KOJC founder ang pagpaparusa ng dry fasting kasabay ng paggiit na ang fasting ay boluntaryo sa kanilang mga miyembro.

Tinawag naman niyang imbento ang akusasyon kaugnay sa Angel of death na konektado umano sa Davao Death Squad.

Kasabay nito, hinamon ni Quiboloy ang mga nag-aakusa sa kanya na maghain ng kaso at handa aniya nitong sagutin ang lahat sa proper forum o sa Korte.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author