dzme1530.ph

Bicol Region na pinaka-apektado ng bagyong Kristine, padadalhan ng rubber boats at iba pang assets ayon sa Pangulo

Magpapadala ang national gov’t ng rubber boats at iba pang assets sa Bicol Region na pinaka-apektado ng bagyong “Kristine”.

Sa ambush interview matapos ang situation briefing sa NDRRMC Headquarters sa Camp Aguinaldo Quezon City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na batay sa natanggap nilang report ay partikular na pinaka-nasalanta ang Camarines Sur kung saan kalahati ng probinsya ay lubog sa baha.

Kaugnay dito, kaagad umanong ihahatid ang mga kagamitan sa oras na maaari nang pasukin ang mga apektadong lugar.

Samantala, hinikayat din ng Pangulo ang iba pang lokal na pamahalaan na sabihin lamang kung ano ang mga kina-kailangan pa nilang tulong upang kaagad maka-responde ang national gov’t.

Pinaghanda na rin umanong mabuti ang hilagang Luzon na inaasahang sunod na daraanan ng bagyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author