Tahasang sinabi ni former Senator Leila De Lima sa pagharap nito sa House Quad Comm na ang 2016 investigation ng Kamara ay hindi talaga para sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid, kundi para sirain ang kaniyang pangalan.
Ayon kay De Lima 2009 pa lamang hindi pa pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Duterte, kinondina na niya ang patayan sa Davao City na kagagawan ng DDS o Davao Death Squad.
Ibinahagi rin ni De Lima sa kanyang video presentation ang DDS reward system sa Davao, alinsunod sa mga pahayag noon ni Arturo Lascanas, ang self-proclaimed death squad chief.
Ang reward system sa Davao City ay siya ring binangit ni former PCSO GM Royina Garma na ipinatupad ng Duterte administration ng ilunsad sa buong bansa ang war on drugs.
Binangit din ni De Lima na nasabi rin ni Lascanas sa kanyang affidavit na ang reward money sa DDS ay kinukuha sa confidential funds ng Office of the Mayor ng Davao City. —sa panulat ni Ed Sarto