Pina-plano ng bagong kalihim ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t na bawasan ang bilang ng mga heneral sa Philippine National Police.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na sa ngayon ay “tough heavy” o siksikan ang organisasyon ng PNP, at marami umanong heneral ang walang command o wala namang mga tauhan sa ilalim.
Kaugnay dito, mula sa kasalukuyang mahigit 130 police generals ay plano umano itong ibaba sa 25.
Kabilang umano ito sa mga ilalatag na reporma sa istraktura ng PNP.
Idinagdag pa ni Remulla na bagamat ito ay plano at rekomendasyon pa lamang at hindi pa pinal, ito ay isang prayoridad.
Umaasa ang DILG chief na maipatutupad na ang PNP structural reform sa pagsisimula ng midterm ng administrasyon, ngunit ang mga kasalukuyang police generals ay hahayaan raw munang makapag-retiro. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News