Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sitwasyon sa mga paliparan at kondisyon ng panahon sa mga apektadong rehiyon dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa CAAP bagamat ang Bicol International Airport kabilang ang Albay (BIA), ay nasa ilalim ng Tropical Storm Signal ay wala pa namang naitalang kanselasyon ng flight.
Ang Tacloban at Catarman Airport ay nakararanas ng tuluy-tuloy na pag-ulan na sinasabayan ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula pa kagabi.
Ang lungsod ay kasalukuyang nakararanas ng blackout.
Suspendido ang flight operations sa Calbayog Airport, habang kinansela naman ng Catarman Airport ang mga scheduled flights nito.
Ang paliparan ng Masbate ay nakakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may mahina hanggang katamtamang hangin.
Dahil dito nakansela ang mga komersyal flight, na nakakaapekto sa mga pasahero ng Cebgo
Flight DG 6177: 73 pasahero
Flight DG 6178: 67 pasahero
Habang ang Paliparan ng Virac ay nakakaranas din katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may mahina hanggang katamtamang hangin.
Wala pang anunsyo mula sa Cebu Pacific tungkol sa mga kanselasyon ng flight.
Pinaalalahanan ni CAAP Director General, Capt. Manuel Antonio Tamayo, ang lahat ng Area Center Managers na mahigpit na ipatupad ang no flight operation sa mga light aircraft sa panahon ng masamang panahon upang matiyak ang kaligtasan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News