“She crossed the line”.
Ito ang banat ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos matapos magbanta ni Vice President Sara Duterte na pupugutan nito ng ulo ang nakaupong pangulo, at huhukayin ang mga labi ni former President Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Marcos, sa matagal na panahon ay nagpigil siyang magsalita bilang paggalang sa Pangalawang Pangulo, at pinayuhan din siya mismo ng amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag na lamang patulan ang mga atake.
Gayunman, hindi na umano siya maaaring manahimik habang pinagbabantaang hukayin ang isang dating Pangulo, at pugutan ng ulo ang kasalukuyang presidente.
Ito ay kaakibat din ng pag-kondena ng bansa sa pagta-tantrums ni VP Sara dahil sa pagiging insensitive sa patay, at pagpapakita ng kalupitan sa nabubuhay.
Kaugnay dito, iginiit ni Cong. Marcos na hindi dapat ipinagsasawalang-bahala na lamang ang mental health, at humiling ito ng peace of mind at mental clarity na tila bumabagabag sa Pangalawang Pangulo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News