Pinuri ng isang United Nations official si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa matagumpay na pagdaraos sa Pilipinas ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.
Ayon kay UN Office for the Disaster Risk Reduction Head Kamal Kishore, nagtatag ang Pangulo ng bagong benchmark para sa nasabing pagtitipon.
Pinuri rin nito ang personal commitment ni Marcos sa climate change adaptation at disaster risk reduction, na magandang ehemplo para sa iba pang lider.
Mababatid na sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng komperensya ay nanawagan ang Pangulo sa mga bansa na buhusan ng pondo ang disaster risk reduction, sa harap ng pagdalas at paglala ng mga kalamidad na pinaka-ramdam sa Pilipinas at buong Asia-Pacific. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News