Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority ng nasa 1,257 tauhan para sa Undas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni MMDA Director for Traffic Enforcement Group Atty. Victor Nuñez na ipatutupad sa Undas ang no day off no absent policy upang matiyak ang sapat na augmentation o bilang mga tauhang magbabantay sa Undas long weekend.
Ipe-pwesto rin ang mga help desk sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan kasama ang iba’t ibang ahensya at road emergency group, sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko.
Magiging 24-oras din ang operasyon ng MMDA Command Center upang bantayan ang malalaking terminals at public cemeteries.
Pinapayuhan naman ang mga biyahero na maaga nang magpa-reserba ng mga ticket at huwag nang umasa sa pagiging chance passenger. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News