dzme1530.ph

Quadcom pormal nang itinurn-over ang mga dokumento sa SolGen para habulin ang properties at negosyo ng mga illegal Chinese nationals sa bansa

Pormal nang na i-turn-over ng House Quad Committee sa Office of the Solicitor General ang mga dokumento na nakalap sa pag-iimbestiga kaugnay sa POGO hub at illegal drugs.

Ayon kay Quadcom overall chairman Cong. Robert Ace Barbers, ginawa nila ito para makabuo na rin ng hakbangin ang Sol Gen Office upang mahinto ang pagsasamantala ng mga Chinese national na nagpanggap bilang Pilipino.

Pangunahin sa gustong habulin ng Quadcom ay ang mga lupain na nabili ng mga Chinese o korporasyon dito sa Pilipinas.

Ayon kay Barbers hindi bababa sa 4,000 ektarya ng lupain ang nabili ng mga Intsik at korporasyon sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sa nakita ng komite, nasa 300 hanggang 400 land titles ang nakapangalan sa mga Chinese na konektado sa POGO at illegal drugs.

Pinakikilos rin ni Laguna Cong. Dan Fernandez ang Sol Gen para silipin ang Philippine Statistics Authority, lalo na ang Local Civil Registrar na ginamit ng mga Chinese para makakuha ng birth certificate sa bisa ng late registration.

Tiniyak naman ng kinatawan ng Sol Gen na kanilang aaralin ang mga dokumento para magawa ang civil forfeiture sa tulong ng Anti-Money laundering Council. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author