Deadma ang Malacañang sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, hindi sila maglalabas ng pahayag kaugnay ng mga atake ng Pangalawang Pangulo.
Mababatid na sa press conference sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong City, ibinunyag ni VP Sara na pinakiusapan lamang umano siyang maging runningmate ni Marcos noong 2022 elections, upang makuha ni Marcos ang boto ng mga Bisaya.
Sinabi pa nito na hindi marunong ang Presidenteng nakaupo, at wala rin umano siyang kasalanan na nasa direksyon ng impyerno ngayon ang bansa.
Nagbanta pa itong huhukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.
Nagpaulan ng mga atake si VP Sara isang araw matapos ang pagkikita nina Pangulong Marcos at Former Vice President Leni Robredo sa Sorsogon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News