dzme1530.ph

Pagsasampa ng obstruction of justice sa kampo ni Quiboloy, nagpapatuloy

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagsasampa ng kaso ng Philippine National Police sa mga indibidwal na pumigil sa mga tauhan nito na mahanap si KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen Jean Fajardo, nakahanda na ang kasong obstruction of justice laban sa ilan pang indibidwal kabilang na rito ang mga nagsabing wala sa loob ng KOJC Compound si Quiboloy, at nagpa-antala ng operasyon ng otoridad na tumagal ng 16-araw.

Matatandaang, tinugis ng mga otoridad si Quiboloy matapos maglabas ng arrest order ang Pasig Court sa kasong Qualified Human trafficking, isang non bailable offense, habang sa Quezon City Regional Trial Court naman sa kasong Child Sexual abuse.

Kaugnay nito, nauna nang sinampahan ng kasong sedition at enciting to sedition ng PNP sa pangunguna ni PNP-CIDG Chief, Birg. Gen. Nicolas Torre III sina Atty. Israelito Torreon at 10 iba pang miyembro ng KOJC sa Department of Justice, kahapon. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author