dzme1530.ph

Mayor ng Porac, Pampanga at iba pang lokal na opisyal, sinampahan ng reklamo sa DOJ kaugnay ng operasyon ng iligal na POGO

Sinampahan ng reklamong katiwalian si suspended Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil at iba pang mga lokal na opisyal sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng operasyon ng POGO firm na Lucky South 99 sa naturang Munisipalidad.

Bukod kay Capil, kabilang din sa respondents sina Porac Business Permit and Licensing Office Head Emerald Salonga Vital, Municipal Vice Mayor Francis Tamayo, at pitong miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sinabi ni Assistant Prosecutor JT Leonardo Santos na napag-alaman sa mga dokumento na nagkaroon ng business permit ang Lucky South para sa mga taong 2022 hanggang 2023 kahit na may mga problema sa kanilang aplikasyon.

Ayon pa kay Santos, ilang bahagi ng application forms na isinumite ng kumpanya ay blangko.

Aniya, sina Capil at Tamayo ang nag-apruba sa business permit ng Lucky South 99 sa kabila ng hindi ito qualified, habang nagkaroon ng “neglect of duty” sa bahagi ng Sangguniang Bayan members.

Ang reklamo ay inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at PNP Criminal Investigation and Detection Group. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author