Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang Phase 1 ng Philippine Health System Resilience project ng Dep’t of Health.
Ito ay sa ika-21 NEDA Board Meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang NEDA Board Chairman.
Sa ilalim nito, paiigtingin ang health emergency prevention, preparedness, at health response sa vulnerable areas.
Ayon sa Pangulo, tututukan sa proyekto ang 17 probinsyang pinaka-nangangailangan ng healthcare, upang maihanda sila sa pagtugon sa mga posibleng pandemya at emergencies sa hinaharap.
Pupunan din nito ang mga kakulangang na-diskubre noong panahon ng global health emergency, at gagamitin din nito ang mga leksyong natutunan sa nagdaang pandemya.
Ang buong Philippine Health System Resilience project ay nagkakahalaga ng ₱27.92 billion. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News