Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mining companies na nagtaguyod ng kaligtasan, kalusugan, pangangalaga sa kapalagiran, at pagsusulong sa lipunan sa kanilang operasyon.
Sa seremonya sa Malacañang ngayong Miyerkules, iginawad ng Pangulo ang 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award sa 13 mula sa 35 nominees.
Wagi sa Surface Mining Operations Category ang Cagdianao Mining Corp., CTP Construction and Mining Corp., Eramen Minerals Inc., Hinatuan Mining Corp. – Tagana-an Nickel Project, FCF Minerals Corp., Zambales Diversified Metals Corp., at Taganito Mining Corp..
Pinarangalan naman sa ilalim ng Quarry Operations Category ang Republic Cement & Building Materials Inc., Eagle Cement Corp., Helix Resources and Development Corp., at Republic Cement & Building Materials, Inc..
Hinirang din sa Mineral Processing Category ang Coral Bay Nickel Corp. at Philippine Mining Service Corp.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News