Mahigit 12,000 foreign workers mula sa pinatitigil na POGOs ang nag-apply para sa pag-downgrade ng kanilang working visas, ayon sa Bureau of Immigration.
Ang mga dayuhang manggagawa mula sa POGOs ay binigyan ng hanggang kahapon, Oct. 15 para i-downgrade ang kanilang 9G visas sa tourist visas, at mayroon silang hanggang katapusan ng taon para lisanin ang Pilipinas.
Sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na ang mga foreign worker na downgraded na ang visas ay babalik sa pagkakaroon ng temporary visitor status.
Una nang inihayag ni Immigration Commissioner Joel Viado na wala nang ibibigay na extension at ang mga hindi nakaabot sa deadline ay kailangang umalis na sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera