dzme1530.ph

4 na Pinoy seafarers mula sa barkong inatake ng Houthi rebels, nakauwi na sa Pilipinas

Ligtas na nakabalik sa bansa ang apat na Filipino crewmen mula sa barkong inatake ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang apat na tripulante ng M/V Minoan Courage ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Linggo.

Sila ang ikalawang batch ng 21 Pinoy na itinakdang i-repatriate matapos atakihin ng Houthi rebels ang kanilang barko habang naglalayag sa Red Sea noong Oct. 1.

Ang unang batch na binubuo ng pitong seafarers, ay dumating sa bansa noong Oct. 9, habang natitirang 10 ay inaasahang makauuwi rin sa lalong madaling panahon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author