Magkakasa ang Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation at case buildup sa sandaling i-refer ng Quad Committee ng Kamara ang report nito sa ahensya.
Tiniyak ni DOJ Usec. Raul Vasquez na agad silang aaksyon kapag natanggap nila ang mga dokumento mula sa Kamara.
Sa kanyang affidavit, isiniwalat ni Ret. Pol. Col. Royina Garma ang mahahalagang detalye sa naging papel nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa pangangasiwa sa anti-drug operations.
Kinumpirma ni Garma ang pagbuo ng National Task Force na ipinattern umano sa “Davao Model,” na nagbibigay sa mga Pulis ng pinansyal na gantimpala, kapalit ng pagpaslang sa mga drug suspect, pati na ang pagpo-pondo para sa planong operasyon, at reimbursement ng operational expenses.
Ibinulgar din ni Garma na si dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, ay pinaslang ng team na kinabibilangan ng police officers. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera