dzme1530.ph

Pagho-host ng Asia Pacific Conference on Disaster Risk Reduction, pagpapakita na seryoso ang Pilipinas sa paglaban sa Climate change —Pangulo

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagho-host ng Pilipinas ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction, ay pagpapakita na seryoso ito sa paglaban sa climate change.

Ayon sa Pangulo, mayroong strategic o mahalagang papel ang bansa sa pagtataguyod ng climate resilience, dahil bahagi ito ng Loss and Damage Fund Board.

Nangunguna rin ito sa mga inisyatibo ng ASEAN kaugnay ng climate change.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na ang hosting ng pagtitipon ay bahagi ng kooperasyon ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa para sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.

Magbubukas ngayong araw ang Asia-Pacific Conference on Disaster Risk Reduction sa PICC sa Pasay City. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author