Inanunsyo ng operators ng public utility vehicles (PUV) na hindi sila maghahain ng petisyon para sa dagdag-pasahe sa kabila ng malakihang pagtaas sa presyo ng petroleum products bukas.
Sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na nakipagpulong sila sa iba pang leaders ng tinatawag na “Magnificent 7” at nagkasundong huwag munang humirit na itaas ang minimum fare.
Idinagdag ni Martin na hindi nila pagsasamantalahan ang kanilang mga pasahero para lamang kumita ng pera.
Inaasahang madaragdagan ng ₱2.50 hanggang ₱2.70 ang presyo ng kada litro ng diesel, habang ₱2.30 centavos hanggang ₱2.50 naman sa gasolina.
Inamin ni Martin na malaking lugi sa kanila ang halos tatlong pisong increase sa kada litro ng diesel subalit kailangan din aniya nilang balansehin ang sitwasyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera