dzme1530.ph

Pag-aresto sa isa sa big boss ng POGO sa bansa, indikasyon na malulumpo na ang operasyon ng mga ito

Malaking tagumpay sa laban kontra POGO-related social ills ang pagkakararesto ka Lin Xunhan, alyas “Boss Boga,” na isa sa malaking personalidad sa likod ng POGO scam hubs sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Sherwin Gatchalian kasabay ng papuri at pasasalamat sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Sinabi ni Gatchalian na maituturing na major achievement ang pagkakaaresto kay Lin Xunhan na kasama sa search warrant laban sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Inilarawan ng senador ang suspect bilang Chinese national na nag-ooperate ng scam networks sa bansa sa pamamagitan ng false identity.

Pinatunayan din aniya nito ang pangangailangan na maging vigilante ang lahat at patuloy na monitoring sa cross-border activities kabilang na sa mga high-profile individuals.

Mahalaga rin anya ang pag-iimbestiga sa mga Filipino bodyguards at associates na may kaugnayan kay Lin Xunhan.

Ang pagkakaaresto aniya itong sa POGO big boss ay patunay na kaya ng mga awtoridad na pilayin o lumpuhin ang mga kriminalidad kabilang na ang mga scamming activities.

Inaasahan ng senador na mas marami pang kagaya ni Lin Xunhan ang masasawata ng mga awtoridad sa mga darating na araw. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author