dzme1530.ph

Job fair para sa POGO workers, hindi masyadong dinayo

Kakaunti lamang ang mga aplikante mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nagtungo sa job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng napipintong pagsasara ng POGOs sa bansa, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naglunsad ang DOLE ng job fairs sa Makati City at Parañaque City para mag-alok ng bagong trabaho sa 27,000 POGO workers na apektado ng ban.

Inamin ng ilang aplikante sa Makati na nahirapan silang iwan ang dati nilang trabaho dahil bukod sa hindi gaanong mabigat ang workload, ay maayos ang pa-sweldo at maganda ang mga benepisyo.

Mayroon namang ilan na agad na na-hire sa naturang job fair bilang operations specialist sa isang maliit na kumpanya at assets specialist sa isang warehouse.

Sa Parañaque, nasa 40 na dating POGO workers ang sumubok na mag-apply at marami sa kanila ang nakahanap ng bagong trabaho. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author