dzme1530.ph

Pagkandidato ni Apollo Quiboloy bilang senador, tila paghahamon sa gobyerno ng Pilipinas at Amerika, ayon sa DOJ

Mistulang hinahamon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy ang gobyerno ng Pilipinas at Amerika, sa pamamagitan ng paghahain nito ng Certificate of Candidacy sa pagka-senador sa Halalan 2025.

Binigyang diin ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na hindi naman maaaring maging senador ang isang akusado sa Human Trafficking, lalo na’t mayroong substantial evidence na nagpapatunay ng eksaktong ginawa nito.

Nilinaw naman ni Clavano na hindi pa nagre-request ang US Government para sa extradition ng founder ng KOJC, na nahaharap sa patong-patong na kaso sa naturang bansa.

Sinabi ng DOJ official na nais nilang harapin ni Quiboloy ang mga isinampa sa kanyang kaso, at huwag nitong kutyain ang eleksyon at demokrasya.

Idinagdag pa ni Clavano na ang COC ay hindi dapat gamiting proteksyon ng sinuman. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author