dzme1530.ph

PNP-CIDG, aminadong nahihirapan sa paghuli kay Harry Roque

Inamin ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na nahihirapan silang hulihin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na inisyuhan ng contempt at detention orders ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa umano’y illegal activities na kinasasangkutan ng POGO.

Sinabi ni PNP-CIDG Spokesperson Police Lt. Col. Imelda Reyes, na sa tuwing batid na nila ang kinaroroonan ni Roque at huhulihin na ito, ay palagi sila nitong natatakasan.

Gayunman, idinagdag ni Reyes na mayroon na silang lead kung saan nila maaaring susunod na makita si Roque, subalit hindi nila ito maaring isiwalat dahil posibleng lumipat na naman ng lugar ang dating opisyal.

Ayon naman sa Bureau of Immigration, bagaman walang hold departure order laban kay Roque ay kabilang ito sa Immigration watchlist.  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author