dzme1530.ph

44th at 45th ASEAN Summit sa Laos, opisyal nang nagbukas

Opisyal nang nagbukas ang 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Lao People’s Democratic Republic.

Pasado alas-9 ng umaga nang isa-isang magsidatingan sa National Convention Centre sa Vientiane, ang Heads of State ng iba’t ibang ASEAN Nations at Timor Leste bilang observer.

Dumating na rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si First Lady Liza Marcos, at sinalubong sila ni Lao Prime Minister at ASEAN Summit 2024 Chairman Sonexay Siphandone.

Inaasahang tatalakayin ng ASEAN Leaders ang iba’t ibang international issues tulad ng sitwasyon sa Myanmar, Ukraine, Korean Peninsula, Gaza, at iba pang geopolitical challenges na nakaa-apekto sa Indo-Pacific Region.

Ang ASEAN Summit 2024 ay may temang “Enhancing Connectivity and Resilience”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

 

About The Author