dzme1530.ph

Poultry raisers, nanawagan sa DA na aksyunan ang mataas na retail price ng manok

Patuloy na nalulugi ang poultry raisers, sa pagbagsak ng farmgate price ng manok sa ₱98 kada kilo subalit nananatiling mataas ang retail price nito sa ₱230 per kilo.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) Chairman Emeritus Gregorio San Diego, ang production cost ng farmers ay naglalaro sa pagitan ng ₱110 at ₱115 kada kilo.

Idinagdag ni San Diego na sa kabila ng patuloy na pagbagsak ng farmgate price ng manok ay walang kontrol ang poultry raisers sa presyo sa mga palengke.

Bunsod nito, nanawagan si San Diego sa Department of Agriculture na aksyunan ang overpriced na retail cost ng manok.

Batay sa monitoring ng DA sa mga palengke sa Metro Manila, ang retail price ng whole chicken ay nasa ₱170 hanggang ₱230 per kilo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author