dzme1530.ph

Pag-abuso ni Garma sa PNP diplomatic channel para makapagpadala ng pera sa US, bubusisiin

Pagtutuunang pansin ng House Quad Committee sa susunod na pagdinig ang posibleng pag-abuso sa PNP diplomatic channel para makapag-padala ng milyon milyong salapi si Former PCSO General Manager Royina Garma.

Sa ika-pitong hearing ng QuadCom kinumpirma ng isang P/Capt. Delfino Anuba na siya ang nauutusan na kumuha ng pera sa PCSO at ipinapalit ito sa US dollars na ipinapadala kay Police Colonel Roland Vilela sa Amerika.

Si Col. Vilela ay dating asawa ni Garma at noong 2020 hanggang 2022 nagsilbi itong police attache’ sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Una nito inamin ni Anuba na dalawang bese siyang nag-convert ng malaking halaga ng piso sa dolyar, una ay ₱30-M at ikalawa ay ₱20-M, na kinuha nya mismo sa security ni Garma sa PCSO building sa katauhan ni Sgt. Enecito Ubales, Jr. na pinsan ni Garma.

Inamin din ni Anuba na sa malilit na halaga maraming beses siyang nag-convert ng piso sa dolyar at lahat ay ipinadala niya kay Vilela.

Ang PNP diplomatic channel ay ligal dahil dito ipinadadala ang MOOE at sweldo ni Vilela, subalit hindi pinapayagan na gamitin ang channel na ito sa personal na kapakinabangan. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author