Nagbabala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa tinawag nitong “POGO politics,” dahil maaring ilan sa players nito ay sumusuporta sa ilang kandidato sa 2025 midterm elections.
Ayon kay PAOCC Spokesperson, Dr. Winston Casio, may mga POGO na nag-o-operate pa rin, partikular ang mga Chinese criminal syndicates na nasa tabi-tabi.
Aniya, bagaman wala pa silang maiturong partikular na indibidwal, hindi malayong isipin na may tinutulungang politiko ang mga sindikato.
Inihayag pa ni Casio na mayroong mga POGO na nagdaragdag pa ng mga empleyado kahit hanggang sa katapusan na lamang ng taon ang kanilang operasyon, batay na rin sa sinalakay na POGO Hub sa Pasay City, kamakailan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera