dzme1530.ph

Sen. Pia Cayetano, naghain ng kandidatura para sa 2025 senatorial elections

Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Sen. Pia Cayetano nitong linggo, October 6 para sa kaniyang re-election bid sa 2025 midterm elections.

Bilang pagpapatuloy ng kanyang mga adbokasiya sa sustainable transportation at health and wellness, pinangunahan ni Cayetano ang isang bike ride, kasama ang humigit kumulang 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay City.

Mula sa Senado ay nagbisikleta ang grupo mula sa Taguig at nakasama ang grupo ng mga siklista mula sa Pasay malapit sa Cultural Center of the Philippines.

Dumaan ang grupo sa Rajah Sulayman Park kung saan naman naghihintay ang mga siklista mula sa Maynila. Naroon din sa parke ang mga benepisyaryo ng programang Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) na dumalo upang ipakita ang kanilang suporta kay Cayetano.

Ang personal na mga karanasan ng senadora bilang isang working mother, anak, at babae ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga kababaihan at pamilya.

Sa kanyang muling pagtakbo, layunin nitong ipagpatuloy ang pagsusulong ng sustainable development, pinalawig na access sa healthcare, dekalidad na edukasyon, at pag-unlad ng sports.

Nabatid na isa si Senator Pia sa nanguna sa pagpapasa ng mahahalagang batas sa larangan ng healthcare, edukasyon, at ekonomiya. Kabilang dito ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act, Universal Health Care Act, at ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa ilalim din ng kanyang pamumuno, ay naabot ang pinakamataas na budget para sa Higher Education, kabilang ang dagdag na pondo para sa mga Medical school upang tugunan ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa.

Sa labas ng Senado, ipinagpapatuloy din nito ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng Pinay In Action (PIA), na kanyang sinimulan bago pa man pumasok sa pulitika. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

About The Author