Magsisilbing host ang Pilipinas ng International Conference on Women, Peace, and Security ngayong Oktubre.
Idaraos ang tatlong araw na ministerial level conference sa oct. 28 hanggang Oct. 30 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Magtitipon ang mga kababaihang peace advocates o mga tagapagtaguyod ng kapayapaan sa Asya, Middle East, Africa, at iba pang rehiyon.
Tatalakayin din ang pagpapatupad ng mga bansa sa United Nations Security Council Resolution no. 1325 na nagsusulong na maibahagi ang karanasan at husay ng kababaihan sa kanilang partisipasyon sa peacebuilding, proteksyon ng karapatan sa ng giyera, pag-iwas sa gulo, at iba pa.
Layunin ng komperensya na palakasin ang nagkakaisang layunin ng kababaihan na maging instrumento sa pagkakamit ng kapayapaan at seguridad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News