Tiniyak ng Israeli Military na ipagpapatuloy nila ang pag-atake sa Hezbollah targets sa Beirut at Southern Lebanon makaraang ilunsad ang panibagong airstrikes sa kabisera ng bansa.
Siyam ang nasawi sa airstrikes sa Central Beirut, na unang beses na inatake ng Israel ang lugar simula noong 2006.
Ayon sa isang Israeli official, tinarget sa naturang pag-atake si Hashem Safieddine, ang potential successor ng napaslang na Hezbollah leader na si Hassan Nasrallah.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung kabilang sa mga nasawi sa airstrikes ang posibleng pumalit kay Nasrallah.
Naglabas din ng ang Israel ng evacuation orders para sa additional villages sa Southern Lebanon, bilang hudyat ng lumalawak nilang ground incursion.