Tatalakayin sa 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Lao People’s Democratic Republic, ang isyu sa human trafficking sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang para sa nakatakdang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ASEAN Summit, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Sec. Daniel Espiritu na ang human trafficking ay isang pangunahing problema sa ASEAN.
Sinabi pa ni Espiritu na karamihan sa mga biktima ng human trafficking ay dinadala sa Pilipinas, at nangyayari rin ito sa buong timog-silangang Asya dahil mayroon ding counterparts ng POGO sa ibang ASEAN countries.
Kaugnay dito, aktibo ang kooperasyon ng Asean at karamihan umano sa mga binubuo nilang dokumento ay tututok sa human trafficking.
Pinagtutulungan din ang pag-rescue sa human trafficking victims sa mga scheme o iba’t ibang uri ng scam.
Mababatid na bukod sa Pilipinas, talamak din ang human trafficking sa Myanmar, Cambodia, Thailand, at iba pang bansa sa Southeast Asia. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News