dzme1530.ph

Mga residente malapit sa bulkang Taal, ililikas sakaling lumala ang pag-aalboroto ng bulkan

Nakahanda ang pamahalaan na ilikas ang mga residenteng maaapektuhan ng posibleng paglala ng pag-aalboroto ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa ambush interview sa Pasig City, tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalatag ang lahat ng standard procedures para sa mga sakuna.

Kaugnay dito, patuloy umanong binabantayan ang sitwasyon ng bulkan, at palagi umanong nakahanda ang gobyerno kahit pa sinabi ng PHIVOLCS na wala pang dapat alalahanin sa ngayon.

Nananatili sa Alert level 1 ang bulkang Taal sa kabila ng nangyaring phreatomagmatic eruption kahapon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author