Naniniwala si Senate President Francis Escudero na masyadong maliit ang tsansa na lumusot ang Anti-Dynasty Bill sa kasalukuyang Kongreso.
Sinabi ni Escudero na wala pang bersyon ng panukala na naglalalaman ng malinaw na depinisyon, saklaw at nilalaban ng anti-political dynasty bill.
Aminado ang senate leader na maging siya ay produkto ng dinastiya lalo’t minana niya sa kanyang ama ang kanyang unang congressional seat.
Subalit binigyang-diin na siya lamang ang kaisa-isang Escudero na umabot sa posisyon ng Senador.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Escudero na sakaling pagbotohan ang panukala laban sa dinastiya ay tiyak na boboto siya pabor dito.
Pero sa ngayon anya ay hindi mapipigilan ang sinumang magkakamag-anak na kumandidato lalo na sa Senado dahil nasa kamay na rin ng mga botante ang kanilang tagumpay.
Aminado pa si Escudero na bagama’t nasimulan na sa BARMM at SK Elections ang pagpapatupad ng anti-political dynasty law ay mahirap pa rin itong balangkasin sa national level. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News