Nakapag-proseso ang Comelec ng mahigit 7.4 million voter applications mula nang umpisahan ang registration period para sa 2025 national and local elections.
Sa datos ng poll body, as of Sept. 30, umabot sa kabuuang 7,436,555 ang bilang ng mga nagpa-rehistrong botante para sa susunod na Halalan.
Sa naturang bilang, 3,630,968 ang lalaki habang 3,805,587 ang babae.
Pinakamarami ang nagpa-rehistro sa CALABARZON na nasa 1,223,159; sumunod ang National Capital Region, Central Luzon, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Davao Region.
Nakapagtala rin ang Comelec Main Office sa Maynila ng 9,201 applications. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera