dzme1530.ph

11 party-lists at 10 senatoriables, nag-file ng COCs at CONAs sa ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025

Sampung aspirante sa pagkasenador at labing isang party-list groups ang naghain ng kanilang kandidatura sa ikalawang araw ng filing ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Halalan 2025.

Kabilang sa mga naghain ng COC sa pagkasenador ay sina dating Senador Tito Sotto at Ping Lacson at reelectionist Senators Imee Marcos at Lito Lapid.

Sa party-lists naman, ilan sa naghain ng Certificates of Nomination and Acceptance (CONAs) ang LPA Marketers Association, Inc.; United Senior Citizens Koalition ng Pilipinas, Inc.; Magdalo para sa Pilipino Partylist; at Vendors Samahan ng mga Naninindigan Pilipino.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa ngayon ay mayroon nang 27 aspirants sa pagkasenador at 26 sector organization para sa party-list. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author