dzme1530.ph

₱105-B karagdagang kita sa gobyerno, inaasahan sa ipapataw na VAT sa foreign digital services

Inaasahang makalilikom ang gobyerno ng karagdagang mahigit ₱100-B, sa ipapataw na value-added tax sa non-resident digital services.

Sa signing ceremony sa Malacañang ng Republic Act No. 12023 na magpapataw ng 12% VAT sa foreign digital services, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa susunod na limang taon, nakikitang aabot sa ₱105 billion ang mako-kolekta sa ilalim ng batas.

Sinabi ng Pangulo na maaaring magamit ang pondo sa pagtatayo ng 42,000 na classrooms, mahigit 6,000 rural health units, at 7,000 kilometro ng farm-to-market roads.

Limang porsyento naman ng mako-kolekta ay ilalaan sa creative industries, para sa kapakinabangan ng mga artist, filmmakers, at musicians na silang kalimitang napapanuod sa digital platforms.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi ito bagong buwis, kundi pinalalakas at pinabibilis lamang ang awtoridad ng Bureau of Internal Revenue sa pag-kolekta ng VAT sa foreign digital services. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author