dzme1530.ph

Batas na magpapataw ng VAT sa foreign digital services tulad ng Netflix, nilagdaan na ng Pangulo

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magpapataw ng value added tax sa non-resident o foreign digital services.

Sa seremonya sa Malacañang kaninang umaga, pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 12023 na sinaksihan nina Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Martin Romualdez, Finance Sec. Ralph Recto, at iba pang opisyal.

Sa ilalim ng bagong batas, papatawan na ng 12% VAT ang digital transactions sa non-resident digital services tulad ng Netflix, Disney+, HBO, at iba pa.

Kabilang sa mga transaksyon ay ang online advertisement services, subscription fees, at iba pang electronic at online services sa internet.

Exempted naman sa VAT ang digital educational services kabilang ang online courses at webinars, at online subscription-based services ng educational institutions.

Mas mababa naman na 5% ang VAT para sa digital services na nagbibigay ng serbisyo sa gobyerno.

Layunin ng batas na gawing patas ang patakaran para sa foreign competitors, at local digital players na dati pa man ay nagbabayad na ng VAT. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author