dzme1530.ph

Mahigit 9M kilo ng bigas, nananatiling nakatengga sa mga pier sa Maynila

Nasa mahigit siyam na milyong kilo ng bigas na nakakarga sa 356 na container vans ang nananatiling nakatengga sa mga pier sa Maynila.

Sinabi ng Bureau of Customs (BOC) at ng Department of Agriculture (DA) na posibleng hinihintay pa ng rice importers na tumaas ang presyo ng bigas bago nila i-release ang mga stock.

Mayroon kasi ang mga importer ng hanggang 30-araw para kunin ang kanilang stocks, pagkatanggap ng clearance mula sa BOC, bago mai-deklara ang mga ito na abandonado.

Naniniwala ang BOC at DA na sinasamantala ng rice importers ang naturang alituntunin, para sa mas magandang presyo pabor sa kanila, bago ilabas ang mga bigas sa merkado.—sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author