Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga negosyante partikular ang mga nasa larangan ng teknolohiya, na huwag nang lumayo at dito na lamang sa Pilipinas mamuhunan.
Ito ay kasunod ng inagurasyon ng 7-billion peso StB Giga Factory sa New Clark City sa Capas Tarlac, na gumagawa ng mga baterya para sa electric vehicles.
Ayon sa Pangulo, ang bagong pabrika ay inaasahang mag-eexport ng clean energy storage sa mga katabing bansa sa Southeast Asia.
Ito rin umano ang mensahe sa buong mundo na handa ang Pilipinas sa innovation para maging destinasyon ng high-tech at high-impact investments.
Mababatid na ang pinasinayaang pabrika ay bahagi ng nalikom na investments ng Pangulo sa kanyang foreign trip sa Australia noong Marso.