dzme1530.ph

Chinese missile boat, sinilaw ng laser ang eroplano ng BFAR sa West Philippine Sea

Nalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga sakay ng aircraft ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng maritime patrol sa West Philippine Sea.

Ayon sa National Maritime Council, ito’y makaraang silawin ng lasers ng isang Chinese missile boat ng People’s Liberation Army-Navy (PLAN) ang eroplano ng BFAR.

Nangyari ang insidente malapit sa Hasa-Hasa Shoal sa West Philippine Sea noong Biyernes, Sept. 27.

Dalawang Chinese navy missile boats din ang bumuntot sa Datu Romapenet at BRP Datu Matanam Taradapit habang patungo sa Hasa-Hasa o Half-Moon Shoal, na matatagpuan 60 nautical miles mula sa Southern Palawan, para magbigay ng tulong at iba pang supplies sa mga Pilipinong mangingisda.

Kasama ng dalawang barko ang isang eroplano ng BFAR na may mga sakay na kagawad ng media.

Isa sa missile boats ang bigla na lamang sinilaw ng laser ang BFAR plane kaya naman nag-isyu ng radio challenge ang mga piloto, subalit sa halip na tumugon ay nagpakawala muna ng dalawa pang laser burst ang mga tsino bago lumihis ng direksyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author