Binura ang kabuuang ₱124 million na utang ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa iba’t ibang bayan sa Tarlac, sa certificates of condonation na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Sa Seremonya sa Paniqui ngayong Lunes, pinangunahan ng Pangulo ang distribusyon ng 4,663 certificates of condonation na sumasaklaw sa 4,132 ektarya ng lupa, sa mahigit 3,500 benepisyaryo.
Ang pagbubura ng utang ng mga may-ari ng lupa ay alinsunod sa New Agrarian Emancipation Act.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na sa kabila ng masamang panahon dahil sa bagyong Julian ay pinilit niyang makadalo sa pagtitipon para sa makabuluhang karangalan na tuparin ang pangarap ng milyung-milyong Pilipino na magkaroon ng sariling lupa at mabura ang kanilang mga utang
Hinikayat ni Marcos ang ARBs na pagyamanin pa ang mga lupain ng Pilipinas para na rin sa ikauunlad ng buong bansa, kasabay ng pagtitiyak ng kahandaang tumulong ng pamahalaan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News