Tiniyak ng Comelec na reresolbahin nila ang mga kasong kinasasangkutan ng nuisance candidates para sa 2025 midterm elections hanggang sa katapusan ng Nobyembre ngayong taon.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na target ng poll body na matapos ang mga kaso, bago ang paglilimbag ng mga balota na gagamitin sa May 2025 national and local elections na magsisimula sa Disyembre.
Ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ay mag-uumpisa na bukas, Oct. 1 hanggang Oct. 8.
Sisimulan naman ng poll body ang pag-a-upload sa kanilang website ng COCs, kabilang ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga aspirante sa Oct. 18. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera