dzme1530.ph

Pag-apruba sa mga nakabimbing aplikasyon para sa produksyon, transmission, at distribusyon ng kuryente, pabibilisin —ERC

Pag-aaralan ng bagong pamunuan ng Energy Regulatory Commission ang proseso sa pag apruba sa power supply agreements.

Ayon kay ERC officer-in-charge Atty. Jesse Andres, sa ikalawang araw pa lamang ng kanyang pag upo sa ERC ay na-diskubre niyang maraming mga aplikasyon ang nakabimbin pa rin.

Dahil mabagal umano ang pag-apruba mabagal din ang pagpasok ng mga player sa energy sector.

Lahat din umano ng mga Pilipino ay apektado sa presyo at suplay ng kuryente.

Dahil dito, agad pinulong ang lahat ng commissioners at mga kawani para hingin ang kanilang suporta at pakikiisa tungo sa mabilis na aksyon.

Tiniyak ni Andres na pag aaralang mabuti ang mga aplikasyon para sa produkyon, transmission at distribusyon ng kuryente para sa mabilis na pag-apruba, at upang maprotektahan na rin ang publiko laban sa monopolya.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author